Ang layunin ng Online games ay isa sa gamot sa mga kabaatang nakakaranas ng stress, pagod at pagkabagot. Bagamat kailangan ng bawat isa ang limitasyon.
Ang sakop ng aking pananaliksik ay mga studyante ng Arnedo National High School at mga kabataan na nakapaloob sa Arnedo.
Ang Online game ay isang laro na gumagamit ng iba’t ibang uri ng computer network. Madalas na ginagamit dito ang Internet o kahit anong pang katumbas na teknolohiya, subalit nagagamit naman ng mga laro ang kahit anong teknolohiya meron: modem bago ang Internet, at hard wired terminal bago ang modem. Ang pagpapalawak ng online gaming ay sumasalamin sa pangkalahatang pagunlad ng mga network na computer mula sa maliit na lokal na network sa Internet hanggang sa paglago sa pagkunekta sa Internet mismo. Ang mga online games at maaaring sumaklaw mula sa simpleng mga salita lamang hanggang sa mga laro na may kumplikadong grapika at virtual na mundo na maraming mga manlalaro. Maraming mga online games ang may online na komunidad, na nagiging paraan ng pakikisalamuha sa ibang tao na kabligtaran kung solong naglalaro.

